Nakapagkaloob na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng higit ₱22.7 million halaga ng food and non-food items bilang resource augmentation sa Local Government Units (LGUs) na apektado ng paghagupit ng Bagyong Karding.
Nakapagbigay na rin ng cash assistance ang field offices ng kagawaran na nagkakahalaga ng ₱2,730,000 sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
Kabuuang 475 pamilya mula sa lalawigan ng Aurora at 69 pamilya sa Quezon Province na may partially-damaged houses ang pinagkalooban ng tig-P5,000 at P10,000 naman sa bawat pamilya na nawalan ng tirahan sa Kabayan, Benguet.
Gumamit na rin ng aircraft ang DSWD sa paghahatid ng family food packs at iba pang relief items sa mga hard-to-reach areas sa Quezon Province at remote communities na sinalanta ng bagyo.