Pumalo na sa higit 10,000 pamilya ang naapektuhan ng Bagyong Crising at pinalakas na habagat sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Batay sa datos ng PDRRMO, nakaranas ng pagbaha ang 63 barangay sa mga bayan ng Umingan, Calasiao, Mangatarem, Lingayen, Sta. Barbara, at Balungao. Ilang kalsada ang hindi madaanan, at may naiulat ding pansamantalang pagkawala ng kuryente.
Umabot sa 35,609 katao ang lumikas dahil sa patuloy na pag-ulan at pagtaas ng tubig.
Tinatayang nasa ₱5.2 milyon naman ang pinsala sa pananim, habang halos ₱1 milyon ang naitalang pinsala sa mga alagang hayop.
Tuloy-tuloy ang operasyon ng mga rescue teams at ang pamamahagi ng ayuda mula sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).
Patuloy namang binabantayan ng PDRRMC ang lagay ng panahon at isinasagawa ang mga hakbang para sa tuloy-tuloy na pagtugon at pagbangon ng mga apektadong lugar. | ifmnewsdagupan









