HIGIT TATLONG DAANG MGA BATA SA ALAMINOS, NABAHAGIAN NG SUPPLEMENTARY FEEDING FOOD PACKS

Napamahagian ang nasa higit tatlong daan o 315 na mga bata sa unang distribusyon ngayong taon ng lokal na pamahalaan ng Alaminos ng Supplementary Feeding Food Packs.
Ang mga batang napamahagian ay naka enroll sa mga Child Development Center.
Ang pagsasagawa nito ay sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office at pinondohan ng Lokal na Pamahalaan.

Ang programang ito ay naglalayon na bigyan ng suporta ang mga kabataan sa kanilang kalusugan lalo na sa kanilang paglaki sa pamamagitan ng feeding program. |ifmnews
Facebook Comments