HIGIT TATLONG LIBONG INDIGENT SENIOR CITIZENS NG BAYAMBANG, TUMANGGAP NG SOCIAL PENSION KATUWANG ANG DSWD FO1

Ipamahagi ang social pension ng mga rehistradong indigent senior citizens ng Bayambang sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development Office.
Kasama sa naganap na pamamahagi ay ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO). Nagsimula ang pay out kahapon November 9 na magtatagal hanggang November 12 ang payout.
Ang bawat benepisyaryo ay mag-uuwi ng P3,000 cash na nakalaan para sa 1st at 2nd semester ng taong 2021.
Sa ulat ng MSWDO, mayroong 3,391 na dati nang pensioners ang nakatakdang tumanggap, at bukod dito ay may 10 unreleased pension mula sa 1st semester, at mayroong 7 pensioners na ibinalik sa payroll, kaya’t may kabuuang 3,408 pensioners sa payout na ito.
Ang listahan ng mga benepisyaryo ay base sa listahan na vinalidate ng DSWD ayon sa panuntunan ng ahensya.###

Facebook Comments