HIGIT TATLONG LIBONG PAMILYA SA DAGUPAN CITY, INILIKAS MULA SA BANTA NG BAGYO

Higit 3,000 pamilya sa Dagupan City ang inilikas bilang pag-iingat sa matinding epekto ng Super Typhoon Uwan.

Batay sa ulat ng City Social Welfare and Development Office at City Disaster Risk Reduction and Management Office kagabi, umabot sa 3,156 pamilya o 10,044 indibidwal ang nanuluyan sa 39 evacuation centers sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

Ilan sa mga evacuees ang nagsiuwi na kahapon matapos humupa ang panganib sa kanilang lugar, ngunit marami pa rin ang nananatili sa evacuation centers bilang pag-iingat.

Patuloy naman ang pagbibigay ng pagkain, serbisyong medikal, at iba pang pangunahing tulong ng mga frontliners at volunteers sa mga evacuees.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang Department of Education Dagupan sa pagbubukas at paghahanda ng mga pasilidad para sa pansamantalang panunuluyan ng mga apektadong residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments