HIGIT TATLONG LIBONG PLAKA, HANDA NANG IPAMAHAGI SA DAGUPAN CITY

Mahigpit na ipatutupad ng Land Transportation Office o LTO sa buong bansa ang panghuhuli at pagbibigay ng karampatang violation ticket ang mga motorista na lalabag sa ‘No plate, no travel’ policy simula Agosto.

Sa LTO Dagupan City District Office, mahigit tatlong libong plaka o cascading plates na inisyu noon pang 2014 hanggang 2022 ang nakahanda nang ipamahagi sa mga motorista.

Ayon kay LTO Dagupan City District Office Chief Romel Dawaton, maigi umanong magtungo sila sa opisina upang ma verify ang kanilang impormasyon at nang mabigyan na ng plaka.

Aniya, wala nang dapat idahilan ang mga motorista pagsapit ng Agosto, dahil puspusan na rin ang isinagawa nilang information dissemination.

Sa LTO San Carlos City District Office naman, inaanyayahan ang mga nakarehistrong motorista roon na wala pang plaka na personal na tumungo sa opisina upang mabigyan na ng plaka.

Dagdag pa riyan, maari rin bisitahin ang www.ltotracker.com kung ang inisyal na registration naman ay mula sa ibang rehiyon upang maideliver o mai pick-up nila mismo ang kanilang mga plaka. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments