Higit tatlong milyong manggagawa, naapektuhan ng COVID-19 pandemic

Lumagpas na sa tatlong milyong manggagawa ang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Base sa tala ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 3,023,587 na manggagawa ang naapektuhan ng pandemiya matapos magpatupad ng temporary closure o flexible work arrangement ang 107,148 establishments.

Nasa 1.9 million na manggagawa ang apektado ng temporary closure at nasa 1.16 million ang nasa ilalim ng flexible work arrangement.


Aabot sa 5,672 establishments ang permanenteng nagsara at nagpatupad ng retrenchments simula nitong Enero.

Ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na displacement ng mga manggagawa, kasunod ang CALABARZON at Central Luzon.

Samantala, nakapagpauwi na ang DOLE ng 95,702 Overseas Filipino Workers (OFW) mula nang magsimula ang pandemya.

Umakyat naman sa 572,442 OFWs ang humihiling ng ayuda mula sa Pamahalaan.

Facebook Comments