HIGIT TATLONG MILYONG PISO, ILALAANG PONDO PARA SA PAMAMAHAGI NG FERTILIZER SA MGA MAGSASAKA SA MANAOAG

Nasa higit tatlong milyong piso o 3.2 million pesos ang inilaang pondo para sa pagpapamahagi ng synthetic fertilizer para sa mga magsasaka sa bayan ng Manaoag.

Mula sa napagkasunduan ng nasa tatlumpu’t tatlong president ng mga samahan ng mga magsasaka sa bayan sa isinagawang pulong kasama ang Municipal Agriculture Office, napag-isipan ng mga ito na ang alokasyon ng pondo ay para sa pamamahagi ng naturang fertilizer.

Magiging suporta ito sa mga magsasaka para sa nalalapit na panahon ng tag-ulan. Patuloy naman umano ang pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang sektor ng upang lalo pa itong palakasin at gawing mas masagana pa ang ani ng mga magsasaka upang mapaunlad pa ang kanilang kabuhayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments