HIGIT TATLUMPUNG BAGONG KASO NG COVID-19 SA REHIYON UNO, NAITALA SA LOOB NG ISANG LINGGO AYON SA DOH-ILOCOS

Nakapagtala ang Department of Health – Center for Health Development (DOH-CHD) Region 1 ng tatlumpu’t apat na bagong kaso ng sakit na COVID-19 SA rehiyon uno.
Base sa datos ng DOH-CHD1, naitala ang nasabing bilang ng kaso sa loob lamang ng isang Linggo mula noong august 6 hanggang august 12, 2023.
Ayon sa ahensya, ang average cases ng COVID-19 ay nasa limang kaso ang naitatala kada araw sa Ilocos Region kung saan mas mababa ng 19% kumpara sa mga naitalang kaso noong July 30 hanggang August 5.

Kagandahan umano nito na ang mga naitalang kaso ay hindi malubha o kritikal ngunit mayroon lamang isang nasawi sa pagitan ng June 6- August 8, 2023.
Samantala, base naman pa sa datos ng ahensya nasa 102% na ng target population nabakunahan sa rehiyon kung saan lampas na ito sa 90% na target population na mula naman sa grupo ng A2 o mga kabilang sa Senior Citizen ang nabigyan na ng bakuna laban sa sakit.
Patuloy na paalala ng ahensya na mag-ingat sa lahat ng oras, gawin ang mga nakasanayan noong panahon ng pandemya gaya ng paghuhugas at pag-sanitize ng ng kamay, magpalakas ng resistensya at marami pang iba. |ifmnews
Facebook Comments