HIGIT TATLUMPUNG PAARALAN NG DEPED SA DAGUPAN CITY,NAPAMAHAGIAN NG GARDENING TOOLS PARA SA GULAYAN; ILAN PANG HINAING NG MGAPAARALAN, DININIG RIN

Nasa tatlumpu’t siyam na pampublikong paaralan sa Dagupan City sa ilalim ng Department of Education ang napamahagian ng mga gardening tools para sa ‘Gulayan sa Paaralan’ program.
Mula ang mga kagamitan na ito sa lokal ng pamahalaan ng Dagupan City.
Ilan sa mga naipamahaging kagamitan sa mga paaralan ay wheelbarrow, shovel, rake, trowel, meron ding hedge shears, ax, bolo, cultivator at watering can.

Sabay sa pamamahaging ito ay ipinabatid na rin ang mga ibat ibang hinaing ng mga paaralan gaya na lamang ng ilan na kung saan kailangan ng repair at maintenance ng mga classrooms at school buildings.
Hinaing rin ng ibang paaralan ang karagdagang security at maintenance personnel maging nag-request ng sand and gravel, construction of pathways at iba pa.
Sa ngayon, hindi pa naipapasa ang kaukulang budget na nakalaan para sa mga paaralan sa lungsod ngunit gagawin ng LGU diumano ang kanilang makakaya para maaksyunan ang ilan sa mga hinaing na maaaring matugunan sa lalong madaling panahon. |ifmnews
Facebook Comments