Higit ₱ 4.1-M halaga ng high grade marijuana, nakumpiska ng QCPD sa buy bust operation sa Barangay Greater Lagro

Nalambat na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang regional level drug personalities at dalawang iba pa sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Greater Lagro, Quezon City kagabi.

Kasabay ng pagkahuli sa kanila,nasamsam din ng pulisya ang may 3,160 gramo ng high grade marijuana na nagkakahalaga ng ₱4.108 million, cellular phone, isang Honda City at buy-bust money.

Kinilala ni QCPD Director, PBGen. Nicolas Torre III, ang mga drug suspect na sina Mihingold Guina, 23 ng San Pedro, Laguna at Daryl Louie Borgonia, 31 at mga kasamahan na sina Miriam Doctor, 23 ng Brgy. San Roque, Marikina City; at Fernando Mendoza, 25 ng Brgy. San Agustin, Novaliches, Quezon City.


Base sa ulat,nakatanggap ng impormasyon ang Fairview Police Station tungkol sa illegal drug activities ni Mendoza sa area ng Brgy. Greater Fairview.

Agad na nagkasa ng buy bust operation ang pulisya at umaktong poseur buyer ang isang pulis at nahuli ang mga suspect.

Facebook Comments