Higit ₱1-B na tax deficiency ng Makati LGU sa BIR, pinababayaran ng Korte Suprema

Inatasan ng Korte Suprema ang Pamahalaang Lungsod ng Makati na bayaran ang tax deficiency nito sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Sa desisyon ng Supreme Court Third Division, pinababayaran nito sa Makati ang umaabot sa ₱1.26 billion na tax deficiency sa BIR, kasama na ang mga interes.

Tinatayang nasa ₱1.05 billion ang tax deficiency ng lungsod mula 1999 hanggang 2001 at ₱217.81 million mula 2002 hanggang 2004.


Nauna nang kinuwestyon ng Makati Local Government Unit (LGU) ang ginawang tax assessment na ginawa ng BIR, at naghain ng kaso laban dito pero hindi ito sinang-ayunan ng Korte Suprema.

Nabatid na ito na ang ikalawang kaso ng Makati City LGU na natalo sa Supreme Court matapos ang unang pagkatalo sa boundary dispute ng Taguig City.

Facebook Comments