Higit ₱1-M halaga ng shabu, nasabat ng PNP-PDEG sa Cavite

Nagkasa ng buy bust operation ang mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP-PDEG) katuwang ang Special Operations Unit ng Region 4 kahapon.

Sa naturang operasyon, naaresto ang isang Jamal Mocaibat Sultan, 24 years old, sa Dasmariñas City, Cavite.

Nakuha sa pag-iingat nito ang 2 pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng 150 gramo ng shabu at tinatayang nasa ₱1.2-M ang street value.


Nasa pangangalaga na ngayon ng Special Operation Unit – NCR – PDEG si Jamal at nakatakdang ipagharap ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments