Higit ₱1-M na mga pekeng sigarilyo, nasabat ng MPD sa Sta. Ana, Maynila

Nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District – District Intelligence Division Special Mayor’s Team ang ₱1-M na pekeng na sigarilyo sa Sta. Ana Maynila.

Ito’y kasunod ng ikinasang entrapment operations ng mga awtoridad sa isang bahay sa kalye ng Onyx at Zobel Roxas sa San Andres Bukid.

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang indibidwal na kinilalang sina Ryan Bongalos at Kurt Rancid Busano habang nakatakas naman sina Johsen Arogante at Aldrin Atienza.


Nag-ugat ang operasyon sa reklamo ng isang Troy Caldera – Salonga na kinatawan ng ITP – External Affairs ng PMFTC na affiliate ng kumpaniyang Philippe Morris dahil sa impormasyong may nakatagong mga peke o counterfeit na sigarilyo sa nabanggit na lugar.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya ang mga naaresto habang inihahanda na ang mga kaso laban sa kanila.

Facebook Comments