Higit ₱1 trillion na halaga ng pamumuhunan sa Pilipinas, ibinida ni PBBM sa mga OFW sa Brunei

Pumalo na sa ₱1.26 trillion na halaga ng pamumuhunan ang naselyuhan ng Pilipinas sa taong 2023 na nakalikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Ito ang iniulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang pagharap sa Filipino community sa unang araw ng state visit nito sa Brunei.

Ayon kay Pangulong Marcos, nalagpasan ng pamahalaan ang target na ₱1.15 trillion na indikasyong lumalakas ang kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas.


Dahil dito, nasa 49,030 na mga Pilipino ang mabibigyan ng pagkakakitaan sa oras na magsimula sa bansa ang mga naturang investment.

Ang paglikha ng maraming trabaho ay bahagi aniya ng pagsisikap ng pamahalaan upang ang pangingibang-bansa ay magiging career choice na lamang at hindi na mapilitan ang mga Pilipino dahil sa kawalan ng oportunidad sa Pilipinas.

Facebook Comments