Umaabot sa ₱12.2 milyong halaga ng mga relief item ang naipamahagi na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga naapektuhan ng Bagyong Neneng sa Region II at Cordillera Administrative Region (CAR).
Kinabibilangan ito ng mga pagkain at iba pang mga kakailanganin ng mga nabiktima ng nagdaang bagyo.
Base sa datos ng Disaster Response Operations Monitoring and Information Center (DROMIC), nasa 163 pamilya o katumbas ng 578 na indibidwal ang pansamantalang nananatili sa 12 evacuation centers sa Regions II at CAR.
Habang nasa 308 na pamilya o 1,111 na indibidwal ang nanatili muna sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan.
Sa kasalukuyan, mayroon pangna pondong aabot sa ₱1.8 billion ang DSWD kung ₱845 million ang standby funds, ₱327 million na halaga ng family food packs, at higit ₱678 million mga food at non-food item.
Bagama’t nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR), patuloy naman nakikipag-ugnayan ang mga Field Offices (FOs) ng DSWD sa mga apektadong lugar na dinaanan ng Bagyong Neneng partikular sa probinsiya.
Mino-mitor na rin ng DSWD ang sitwasyon ng mga pamilya habang tumutulong na rin sa Local Government Units (LGUs) para sa ikinakasa nilang disaster response.