HIGIT ₱16M HALAGA NG MARIJUANA, SINIRA SA MALAWAKANG OPERASYON SA ILOCOS SUR AT BENGUET

Nasira ng Police Regional Office 1 (PRO 1), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1), ang tinatayang ₱16,260,000 halaga ng marijuana sa isinagawang malawakang eradication operation noong Nobyembre 22–23, 2025.

Nadiskubre ang mga taniman sa hangganan ng Brgy. Licungan sa Sugpon, Ilocos Sur, at Brgy. Tacadang sa Kibungan, Benguet.

Natukoy ng pinagsanib na puwersa ang pitong plantasyon na sumasakop sa humigit-kumulang 13,400 metro kuwadrado.

Aabot sa 81,300 fully grown marijuana plants ang narekober at agad na winasak sa lugar.

Ayon sa PRO 1, magpapatuloy ang pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga sa buong rehiyon. #

CAPTION: Nasira ng Police Regional Office 1 (PRO 1), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 1 (PDEA RO1), ang tinatayang ₱16,260,000 halaga ng marijuana sa isinagawang malawakang eradication operation noong Nobyembre 22–23, 2025.

Facebook Comments