Higit ₱18-M na halaga ng barya, naideposito sa mga Coin Deposit Machine ng Bangko Sentral

Nasa mahigit P18.8 milyon halaga ng barya na ang naideposito sa Coin Deposit Machines ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na inilunsad noong Hunyo.

Ayon sa BSP, ito ay katumbas ng mahigit 10,000 transaksyon hanggang nitong July 31.

Noong Hunyo, inilunsad ng BSP ang tatlong machine nito at nagdagdag pa ng anim.


Layunin nito na hikayatin ang publiko na huwag itago ang kanilang mga barya.

Tinatanggap ng naturang machine ang lahat ng halaga ng barya ng BSP Coin Series at New Generation Currency Coin Series noong 2018, mula sa sentimo hanggang P20 na barya.

Sa pinakahuling datos, karamihan sa mga idinepositong barya ay idiniretso sa e-wallet ng mga customer habang ang iba naman ay ipinalit sa shopping vouchers.

Noong January 2021, sinabi ni dating BSP Governor Benjamin Diokno, na inaasahang magiging coinless na ang Pilipinas pagsapit ng 2025 at ang maliliit na transaksyon ay pwede nang gawin gamit ang quick response (QR) codes.

Facebook Comments