Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagtugon sa mga posibleng epekto ng paparating na La Niña.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DSWD Undersecretary Edu Punay, na nakastand by na ang ₱2.7 na pondo ng para dito.
Ang pondong ito ay ilalaan para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa panahon ng La Niña.
Samantala, patuloy pa rin ang DSWD sa pagpapaabot ng tulong sa mga lubhang nasalanta ng El Niño.
Habang tuloy-tuloy rin ang pagpapaabot ng tulong ng ahensiya sa mga apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Kanlaon.
Facebook Comments