Higit ₱3-M halaga ng “kush” nasabat sa shipment na idineklarang hooded sweatshirt

Aabot sa mahigit tatlong milyong pisong halaga ng high-grade marijuana o “kush” ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Port of Clark mula sa shipment na dumating sa Pilipinas.

Ayon sa BOC, may bigat na 1.9 kilograms ang kontrabando na nakumpiska matapos hindi makalusot sa x-ray scanning at K9 inspection.

Idineklara bilang “hooded sweatshirt” ang shipment pero sa halip ay tumambad ang apat na pouch ng pinatuyong dahon ng marijuana.


Agad namang nadakip ang 23 anyos na claimant sa pinagsamang pwersa ng BOC at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Antipolo, Rizal.

Kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng naarestong suspek.

Facebook Comments