Nakasabat ang mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ng mahigit sa ₱4 na milyong halaga ng shabu na nauwi sa pagkaka-aresto ng high value drug personality sa magkakasunod na drug operations.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge PLt. Gen. Vicente Danao Jr., sa Region 5, naaresto si Naneth Obias na kabilang sa Priority Database on Illegal Drugs ng rehiyon kasama ang kanyang kasabwat na kinilalang si Anthony Ariola kung saan nakuha sa mga ito ang plastic bag na naglalaman ng shabu na may street value na ₱3.4 milyon.
Samantala, naaresto rin ang isang Felix Sabordo sa bisa ng search warrant kung saan nakumpiska rito ang ilang baril at ammunitions.
Habang sa Region 1 naman tiklo ang mga drug suspek na sina Rogelio dela Cruz at Faisal Merillo na nakuhanan ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit ₱1 milyon.
Ang mga suspek ay ipinagharap ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Act Providing for a Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.