Higit ₱4 taas-presyo sa diesel nagbabadya sa susunod na linggo

May panibago na namang bigtime oil price hike sa susunod na linggo.

Sa pagtaya ng oil industry sources, tataas ng ₱1.40 hanggang ₱1.70 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Higit na malaki naman ang magiging pasanin ng mga motoristang gumagamit ng diesel kung saan maglalaro sa ₱4.20 hanggang ₱4.50 ang inaasahang taas-presyo nito.


Ayon sa Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), kabilang sa mga dahilan ng panibagong taas-presyo ay ang panahon ng tag-init sa mga bansa sa northern hemisphere mula Hunyo hanggang Setyembre; pagtaas ng demand sa langis ng China dahil sa pagluluwag ng lockdown at ang ipinataw na oil imports ban ng European Union sa Russia.

Noon lang nakaraang linggo nang magpatupad ang mga kumpanya ng langis ng ₱6.55 kada litro na taas presyo sa diesel at ₱2.70 sa gasolina.

Facebook Comments