Higit ₱40-K na halaga ng droga, nasabat sa Navotas

Umaabot sa higit ₱40,000 na halaga ng iligal na droga ang nasabat ng mga awtoridad sa dalawang magkaibigan sa Navotas.

Ito’y sa ikinasang Station Drug Enforcement Unit ng Navotas Police.

Kinilala naman ang mga nadakip na sina Rafael Datol at Roderick Terambulo na kapwa residente ng Brgy. San Roque sa Navotas City.


Nasakote sila sa may bahagi ng Ignacio Street sa Brgy. Daang Hari matapos mapagbentahan ang isang poseur buyer.

Tatakbo pa sana ang dalawa pero nakorner na sila ng mga pulis kung saan nasa higit dalawang gramo ang bigat.

Facebook Comments