HIGIT ₱60M PONDO PARA SA EMERGENCY EMPLOYMENT, INILAAN NG DOLE SA PANGASINAN

Naglaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng mahigit ₱60 milyon para sa emergency employment sa Pangasinan bilang bahagi ng rehabilitasyon matapos ang pananalasa ng Bagyong Emong at Super Typhoon Uwan.

Ayon sa DOLE-Ilocos, prayoridad sa programa ang mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad.

Isasailalim muna sa profiling ang mga benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) upang matiyak na hindi sila tumanggap ng tulong mula sa ibang programa.

Kabilang sa mga gawaing nakapaloob sa emergency employment ang clearing operations at iba pang rehabilitasyon sa mga nasalantang lugar, kabilang ang mga paaralan.

Batay sa ulat ng Department of Education, sa Pangasinan Schools Division 1 pa lamang ay may 1,062 classrooms na may minor damage, 564 na may major damage, at 461 na tuluyang nasira dahil sa bagyo.

Makikipag-ugnayan din ang DOLE sa Department of Public Works and Highways para sa karagdagang rehabilitasyon na maaaring ipatupad sa ilalim ng programa.

Tatanggap naman ng ₱505 na minimum daily wage ang bawat benepisyaryo ng TUPAD.

Facebook Comments