Higit ₱64-B na key projects ng administrasyong Marcos, lusot na sa NEDA board

Inaprubahan na ng National Economic and Development Authority (NEDA) board ang dalawang key projects ng administrasyong Marcos na nagkakahalaga ng higit sa ₱64 billion.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., isa sa mga inaprubahan sa NEDA board meeting kahapon ang Mindanao Transport Connectivity Improvement Project na nagkakahalaga ng ₱37 billion.

Layunin ng proyektong ito na mapabuti ang transport network sa Mindanao na mapapakinabangan ng mga nasa agricultural sector sa lugar.


Ito ang national highway network na magkokonekta sa Cagayan de Oro, Davao, at General Santos City.

Samantala, inaprubahan din ang Health System Resilience Project Phase 1 na nagkakahalaga naman ng ₱27.9 billion.

Sa ilalim nito, patatatagin ang health emergency prevention, preparedness at response sa mga vulnerable areas sa bansa.

Nasa 17 probinsya sa bansa ang tinukoy ng Department of Health (DOH) na pagdadausan ng pilot run ng programa.

Facebook Comments