Higit ₱8-B na pondo para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na pag-ulan, sinimulan nang ipamahagi ng DBM

Sinimulan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pamamahagi ng pondo para sa mga nasalanta ng sunod-sunod na pag-ulan.

Ayon kay DBM Sec. Amenah Pangandaman, nasa ₱8.4 billion na ang pondong nailabas ng ahensya para sa ayuda ng apektado ng mga Bagyong Egay, Falcon at Habagat.

Ang naturang pondo ang mula sa ₱20.5 billion ng General Appropriation Act 2023, sa ilalim ng National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF).


Gayunpaman, ang pondo para sa Quick Response Fund (QRF) ay nasa ₱525 million na lamang dahil nagamit na ang ₱5.6 billion sa nakalipas na anim na buwan.

Dahil dito, umaasa ang DBM na huwag na sanang masundan ng mas malalakas na bagyo ang bansa dahil pagkakasyahin na lamang ang ₱525 million na natitirang QRF.

Samantala, sa kasalukuyan ay mayroon pang P12 billion na natitira para sa natitirang anim na buwan ng 2023.

Facebook Comments