Umabot sa mahigit ₱816 milyon ang inisyal na pinsalang idinulot ng Super Typhoon Uwan sa agrikultura at imprastraktura sa La Union, ayon sa PDRRMO.
Sa ulat ng La Union PIO, malawak ang pinsala sa sektor ng agrikultura, partikular sa mga pananim, gamit sa pangingisda, bangka at fish stocks.
Nasira rin ang ilang paaralan, river walls, multipurpose halls at iba pang pasilidad.
Libo-libong pamilya ang naapektuhan at marami ang nananatili sa mga evacuation center habang nagpapatuloy ang relief operations.
Aabot din sa mahigit 3,000 bahay ang napinsala, habang unti-unti nang naibabalik ang suplay ng kuryente sa mga apektadong barangay.
Dalawang katao naman ang naiulat na nasaktan sa lalawigan dahil sa bagyo.
Facebook Comments









