Aprubado na ang P8.379 billion na budget ng Pangasinan para sa 2026, mas mataas ng halos 18% kumpara sa nakaraang taon.
Ayon kay Governor Ramon Guico III, ito ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng fiscal standing ng lalawigan at ng kakayahang maghatid ng serbisyo publiko.
Malaking bahagi ng pagtaas ng pondo ay nagmula sa mas mataas na local revenue collections, aktibong ekonomiya, at pamamahala sa mga operasyon tulad ng quarrying.
Sasaklawin ng 2026 budget ang General Fund Appropriations, kabilang ang pagpapatupad ng Salary Standardization Law VI, medical allowances, MOOE, capital outlay, at special purpose appropriations.
Kasama rin dito ang pondo para sa conversion ng 14 provincial hospitals at Pangasinan Polytechnic College tungo sa pagiging local economic enterprises, na may layong paghusayin ang mga serbisyo habang tumatanggap pa rin ng subsidy.
Sa ilalim ng Annual Investment Program, tututukan ng lalawigan ang pagpapatayo ng infrastructure projects, pagpapalawak ng economic services, at pagpapalakas ng health facilities tulad ng Umingan Super Community Hospital at Alcala Community Hospital, na makikinabang ang mahigit 3 milyong Pangasinense.
Ayon kay Guico, ang budget na ito ay magsisilbing tulay para maipagpatuloy at matapos ang mga pangunahing proyekto ng probinsya.





