HIGPIT SEGURIDAD | 10,000 pulis ikakalat sa Metro Manila sa Labor Day

Manila, Philippines – Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng nasa 10,000 pulis sa Metro Manila para bantayan ang kilos protesta na isasagawa bukas, May 1, Labor Day.

Ayon kay NCRPO Director Camilo Cascolan, naka-full alert na ang mga pulis sa kamaynilaan bilang paghahanda para sa Araw ng Paggawa.

Aniya, inaasahang marami ang makikiisa sa protesta dahil hindi natupad ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong wakasan ang kontraktwalisasyon.


Unang nang sinabi ng Kilusang Mayo Uno (KMU) at ng sentro ng mga nagkakaisa at progresibong manggagawa na aabot sa 150,000 miyembro at tagasuporta ang makikilahok sa protesta.

Facebook Comments