HIGPIT SEGURIDAD | 6,000 pulis, ipakakalat sa araw ng SONA

Manila, Philippines – Mahigit anim na libong pulis ang ipapakalat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para magbigay ng seguridad kaugnay sa ikatlong State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23,2018.

Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar, idi-deploy ang mga pulis na ito sa bisinidad ng Batasang Pambansa at Commonwealth Avenue.

Aniya, ipapatupad nila ang maximum tolerance habang pag-uusapan pa nila kung hanggang saan lamang papayagan ang mga militante na pwedeng mag-rally.


Samantala, sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nasa 600 na mga sundalo mula sa AFP Joint Task Force NCR ang naka-standby na sa Camp Aguinaldo.

Sabi ni AFP Public Affairs Office Colonel Noel Detoyato, nakadepende sa pangangailan ng PNP ang pag-deploy sa mga sundalo para sa SONA.

Facebook Comments