HIGPIT-SEGURIDAD | Bagong sistema na kayang ma-detect ang mga dayuhang pugante at terorista, gagamitin

Manila, Philippines – Sinimulan na ng Bureau of Immigration ang paggamit ng high-tech equipment kontra undesirable aliens.

Partikular ang biometrics-based system sa computers sa international airports sa buong bansa.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, may kakayahan ang bagong sistema na ma-detect ang mga dayuhang pugante at terorista.


Sa ilalim ng bagong software system ng Bureau of Immigration, bukod sa cameras, isinasailalim din sa finger scanning ang mga pasahero.

Ayon kay Immigration port operations division chief Marc Red Mariñas, interconnected na rin ang nasabing system sa database ng Interpol at ng Australian immigration department.

Facebook Comments