HIGPIT SEGURIDAD | BOC, naglabas ng memorandum kontra ‘sundo o salubong system’ sa mga paliparan

Manila, Philippines – Naglabas ng memorandum ang Bureau of Customs (BOC) para labanan ang ‘sundo o salubong system’ sa mga paliparan.

Ang salubong o sundo system ay isang ilegal na operasyon kung saan mabilis na naipapasok ng mga sindikato ang mga kontrabando sa bansa sa pamamagitan ng pag-‘escort’ ng mga government officials.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, sa ilalim ng memo, ang lahat ng pasaherong susunduin ng government officials mula sa iba’t-ibang ahensya ay kinakailangang sumailalim sa mandatory x-ray inspection ang kanilang hand-carry items.


Pinababantayan na rin ni Lapeña ang mga tauhan sa general aviation.

Sa ngayon, inihahatid na ang memo sa mga opisina ng lahat ng collectors.

Facebook Comments