HIGPIT SEGURIDAD | Byahe ng Cebu Pacific patungong Guam magpapatupad ng karagdagang security check

Manila, Philippines- Epektibo Hunyo 30, 2018, lahat ng flight ng Cebu Pacific sa Guam ay magpapatupad ng additional security measures o karagdagang paghihigpit sa seguridad, partikular na ipagbabawal ang pagdadala ng powder-like substances o pulbos na tumitimbang ng 12 ounces (350 milliliters).

Magreresulta ito sa karagdagang screening and security check.

Ang mga Security personnel ay magpapatupad ng mahigpit na seguridad at maaaring kumpiskahin o itapon ang powder-like substances na labis sa pinahihintulutang dami na matatagpuan sa loob ng cabin baggage.


Kabilang sa powder-like substances ay ang flour, sugar, ground coffee, spices, powdered milk (including infant formula), cosmetics and human remains (ashes).

Exempted sa panuntunang, baby formula, medically-prescribed substances, human remains (ashes) at duty free purchases of powder-like substances, sa kondisyon na ang mga lalagyan para sa mga ito ay selyadong at na-clear sa security screening.

Payo ng Cebu Pacific sa mga pasahero na ilagay ang powder-like substances sa check-in baggage upang maiwasan ang abala.
Para sa mga may flight sa Guam, ang United States Transportation Security Administration (TSA) ay nagrekomenda na magtungo sa paliparan ng hindi bababa sa tatlong oras bago ang naka-iskedyul na oras ng pag-alis.

Facebook Comments