Manila, Philippines – Nagpatupad na ang alert status ang Department of Agriculture (DA) kasunod ng mga nasabat na smuggled na sibuyas galing China na nagkakahalaga ng 34 million pesos.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kinausap na niya si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña na maging alerto sa lahat ng papasok na kargamento sa bansa na idineklarang agricultural products.
Sa ilalim aniya ng alert status, required buksan ang lahat ng containers na may agricultural products.
Tinukoy na rin ng DA ang tatlong consignees: ang Kasaligan International, Skyrocket Trading at Epitome International Trading.
Hindi tukoy ng ahensya kung saan ipapadala ang mga nasabing kargamento.
Facebook Comments