HIGPIT SEGURIDAD | Election gun ban, mahigpit na ipatutupad sa NAIA

Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ang election gun ban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kasunod pa rin ito ng mga insidente kung saan patuloy pa ring nagdadala ang mga pasahero ng baril at bala.

Paghihimok muli ni Manila International Airport Authority (MIAA) General manager Ed Monreal, huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa paliparan.


Paalala naman ni Philippine National Police Aviation Security Group Director Dionardo Carlos, siguruhing may mga kaukulang dokumento partikular ng permit to transport kung hindi maiiwasang magdala ng guns at ammunition sa biyahe.

Nabatid na idineklara ng Commission on Elections (COMELEC) ang nationwide gun ban noong April 14 kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Facebook Comments