Kumikilos na ngayon ang Eastern Police District (EPD) para maging matiwasay ang pagdaraos sa araw ng Undas.
Pinangunahan ni Senior Superintendent Rizalito Gapas ang dayalogo sa mga Philippine Army reservist na kanilang makakatuwang bilang force multiplier.
Ayon kay Senior Superintendent Gapas, bukod sa mga sementeryo babantayan din nila ang ibat-ibang aktibidad ng publiko, tulad ng mga party, trick or treat ng mga bata at mga aktibidad sa mall.
Ito ang mga panahon na abala ang karamihan na sinasamantala naman ng mga kawatan.
Hinimok naman ng PNP ang publiko na tumawag sa 911 kapag may grupo o indibidwal na gumagawa ng krimen.
Facebook Comments