Manila, Philippines – Iginiit ni Committee in Public Order Chairman Senator Panfilo Ping Lacson sa sandatahang lakas, pambansang pulisya at National Security Council (NSC) na repasuhin ang estratehiya para mapigilan ang mga serye ng pagpapasabog sa bansa.
Ito ay makaraang muli na namang magkaroon ng pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kung saan isa ang agad na nasawi at 15 ang nasugatan.
Diin ni Lacson, dapat mapag-aralang mabuti kung tama ba ang estratehiya o mga plano na inilalatag para tiyakin ang seguridad ng mamamayan lalo na sa Mindanao.
Nauna ng isinulong ni Senator Lacson ang Senate Bill Number 1956 na nagpapalakas sa Human Security Act para labanan ang pag-atake ngmga terorista o anumang karahasan at panggugulo sa bansa lalo na sa parteng Mindanao.