Manila, Philippines – Ipatutupad na sa susunod na buwan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC) ang gun ban para sa nalalapit na barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, ang election gun ban ay mula April 14 hanggang May 21.
Sa loob ng campaign period, bawal gumamit ng baril ang mga police bodyguards.
Imo-monitor din aniya ang paggamit ng ilegal na droga.
Ipagbabawal din ang konstruksyon ng anumang proyekto tulad ng kalsada, tulay, pagha-hire ng mga bagong empleyado, pagbuo ng mga bagong posisyon, promotion at patataas ng sahod mula May 4 hanggang gabi ng May 14.
Inatasan na ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na magbantay laban sa ilegal na pagpapalaya ng mga bilanggo bago at pagkatapos ng eleksyon.
Nagbabala rin ang DILG sa mga nagbebenta at bumibili ng boto.