HIGPIT-SEGURIDAD | Joint sea patrol agreement, tatalakayin sa pulong nina P-Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad

Malaysia – Nakatakdang magpulong ngayong araw sina Pangulong Rodrigo Duterte at Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pag-uusapan ang pagkakaroon ng joint sea patrol agreement para palakasin pa ang security cooperation ng dalawang bansa na layong labanan ang banta ng terorismo sa rehiyon.

Dagdag pa ni Roque, posibleng hindi mapag-usapan ang Sabah dispute.


Nitong 2017, lumagda ng kasunduan ang Pilipinas sa Malaysia at Indonesia para paigtingin ang maritime security kontra sa mga terorista, kidnappers at iba pang kriminal.

Sa ilalim nito, magtutulungan ang tatlong bansa para higpitan ang seguridad ng Sulu Sea.

Facebook Comments