HIGPIT SEGURIDAD | Karagdagang pulis dumating na para sa seguridad ng 39th Masskara festival

Bacolod City – Dumating na sa Bacolod City ang karagdagang pulis mula sa Police Regional Office 6 para sa seguridad ng Masskara festival na magbubukas ngayong araw Oktubre 8, 2018.

Ayon kay Bacolod City Police Officer Spokesperson Chief Inspector Sherlock Gabana, 645 sa mga ito ang non commission police officers at 20 police officers para sa karadagang sa nauna ng 221 na police officers.

Opisyal na magbubukas ang Masskara festival mamayang hapon sa Bacolod Public Plaza kung saan maging highlight ang cutting of cake ng mga city officials sa Bacolod Public Plaza Bandstand sa kung saan dito nangyari ang first inauguration kasama si dating President Manuel Quezon.


Facebook Comments