HIGPIT SEGURIDAD | Listahan ng mga barangay na may mataas na antas ng krimen, inilabas ng QCPD

Manila, Philippines – Inilabas ngayon ni Quezon City Police District Director Chief Superintendent Joselito Esquievel ang listahan ng mga barangay na may pinakamataas na antas ng krimen.

Inilabas niya ang listahan batay sa police blotter at eight-focus crimes tulad ng rape, physical injury, robbery, 4 wheeled at motorcycle carnapping.

Nangunguna sa listahan ang Barangay Socorro na nakapagtala ng 29 na kaso na sinundan naman ng Bagong Pag-Asa na may 20.


Kapwa nakapagtala naman ng tig-18 insidente ng krimen ang mga Barangay Batasan Hills at Holy Spirit habang may mga naitala rin sa mga Barangay Greater Lagro, Fairview, Pinyahan, E. Rodriguez, Payatas at Barangay South Triangle.

Nangunguna naman sa listahan ng mga krimen sa Quezon City ang theft cases na may 208 kaso, robbery na may 94 na kaso, physical injury na may 82 kaso, motorcycle theft, carnapping, rape at homicide.

Nabatid na talamak ang krimen sa mga nabanggit na Barangay mula ala-siete hanggang alas onse ng gabi kaya at inatasan ni Esquievel ang lahat ng mga station commanders na paigtingin ang police visibility sa lungsod.

Facebook Comments