HIGPIT SEGURIDAD | LTO, uumpisahan na inspeksyon sa mga bus na bibiyahe ngayong Semana Santa

Manila, Philippines – Sisimulan na ng Land Transportation Office (LTO) na inspeksyunin ang mga bus unit na babyahe ngayong Semana Santa.

Ito ay kasunod ng nangyaring insidente na kinasangkutan ng dimple star bus sa bayan ng Sablayan, Occidental Mindoro kung saan 19 ang nasawi.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, dadaan sa masusing inspeksyon ang mahigit 1,000 bus na nabigyan ng special permit para masigurong ligtas ang bawat unit na bibiyahe ngayong Holy Week.


Kasabay nito, naka-heightened alert na rin ang mga pantalan at paliparan.

Payo ng transport officials sa mga pasahero, mag-book at magplano ng biyahe nang maaga para iwas-aberya ngayong Semana Santa.

Facebook Comments