Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Manila Police District (MPD) na seryoso ang kanila kampanya kontra sa anumang uri ng kriminalidad matapos na maaresto ang 135 personalidad na mayroong iba’t-ibang kaso.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo kabilang sa kanilang mga naaresto ay may mga kasong murder, homicide, physical, injury, rape, robbery at theft, illegal drugs, illegal gambling, rape, at carnapping.
Paliwanag ni Margarejo sa ilegal na droga na kanilang naaresto nakarekober ang pulisya ng 46 plastic sachets na may lamang pinaghihinalaang shabu at pinatuyong dahon ng marijuana, at shotgun at mga bala.
Dagdag pa ng opisyal mahigpit ngayon ang kanilang ipinatutupad na segurida alinsunod na rin sa kautusan anya ng bagong PNP Chief Director General Oscar Albayalde na paigtingin pa ang pagbibigay ng seguridad upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.