HIGPIT SEGURIDAD | Mapayapa at ligtas na pagdiriwang ng Pasko, Bagong taon – tiniyak

Tututukan ng hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagbibigay ng mas mahigpit na seguridad upang matiyak na magiging payapa ang pagdiriwang ng Pasko at pagsalubong ng Bagong Taon ng mga Pilipino.

Ayon kay AFP Chief of Staff Lieutenant General Benjamin Madrigal, titiyakin niyang gagawin ng kanilang hanay ang kanilang mandato na protektahan ang mamamayan at siguruhin ligtas ang lahat sa anumang mga karahasan.

Sa ngayon aniya nanatiling naka-alerto ang kanilang front unit habang nagpasalamat si Madrigal sa pamilya ng mga sundalo sa kanilang pag-unawa at sakripisyo.


Ito ay dahil aniya kahit panahon ng Pasko ay nagtatrabaho ang halos lahat ng mga sundalo na malayo sa kanilang mga pamilya.

Facebook Comments