Manila, Philippines – Ipinag-utos ng Malacañang ang pagpapa-iral ng maximum tolerance para sa mga ikakasang rally kasabay ng selebrasyon ng martial law ngayong araw.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, noon pa man ay kinikilala na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalayaan sa pagtitipon gayundin ang karapatan ng bawat Pilipino sa pagpapahayag ng kanilang saloobin.
Kasabay nito nanawagan ang palasyo sa mga raliyista at iba pang sektor na panatilihin ang kapayapaan at maayos na demonstrasyon sa gagawin nilang protesta.
Facebook Comments