Manila, Philippines – Inatasan na ni MPD District Director Chief
Superintendent Joel Coronel ang labing isang Station Commander na tiyaking
mayroong mga pulis na magbabantay at magmomonitor sa mga lugar na posibleng
dadagsain ng mga namamanata ngayong Semana Santa.
Ayon kay Coronel naglabas na siya ng direktiba sa lahat ng mga Station
Commander na paalalahanan ang mga pulis na walang day off sa araw ng Semana
Santa upang bantayan ang mga bus terminal, simbahan, LRT, PNR at mga lugar
na pupuntahan ng mga namamanata.
Mahigpit din ang kanilang isasagawang check point sa mga strategic areas
upang matiyak na hindi makalulusot ang mga nagpaplano na maghasik ng
kaguluhan sa darating na Semana Santa.
Dagdag pa ni Coronel na bukod sa mga tauhan ng MPD ipakakaat din ang mga
Rescue and Medical Team, SWAT at Special Action Unit sa buong Maynila
para masigurong ligtas ang mga namamanata sa darating na Holy Week.
<#m_8881690128405713175_m_7088025903028041801_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>