Manila, Philippines – Bantay-sarado ngayon ng aviation security group ng Philippine National Police (PNP) ang walong pu’t anim na paliparan o mga international airports sa bansa.
Ayon kay PNP Aviation Security Group Director, Police Chief Supt Dionardo Carlos ito ay para matiyak na hindi makakalusot ang mga terorista lalo pa at nalalapit na ngayon ang Semana Santa.
Kasabay ng pagde-deploy sa mga paliparan tiniyak rin ni Carlos na may sapat na pagsasanay ang kanyang mga tauhan para rumesponde sakaling magkaroon ng kaguluhan.
Una nang sinabi ng PNP na wala pa silang namo-monitor na banta malapit na ang holy week, pero nananatili pa rin silang nakaalerto.
Magagunitang kamakailan lang din ay naaresto ang isang subleader ng Maute na si Nasser Lomondot.