Ilang linggo bago ang Pasko ay dagsa na ngayon ang mga pasahero sa iba’t ibang pantalan ng bansa upang maglayag palabas at papasok ng Metro Manila habang ang iba naman ay patungo ng ibang lalawigan.
Sa Oplan Biyaheng Ayos: #Pasko2018 ng Philippine Coast Guard (PCG), tinatayang 18,012 na ang mga pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) mula alas-12 ng hatinggabi hanggang alas-6 ngayong umaga.
Ayon kay Philippine Coast Guard Spokesman, Captain Arman Balilo, sa nabanggit na bilang ay 2,118 sa Central Visayas; Southern Tagalog – 2,861; sa Western Visayas – 3,536; sa Southeastern Mindanao – 1,256; sa Bicol ay 1,584; sa Northern Mindanao ay 1,806; sa Eastern Visayas – ay 2,588 at sa Southern Visayas ay 2,263.
Paliwanag ni Balilo, patuloy ang pagmo-monitor ng Coast Guard sa mga barko kung nasusunod ang mga patakaran laban sa overloading.
Mahigpit din ang pag-iinspeksiyun sa mga bagahe gamit ang K9 dogs.