Isang daang porsyento ng mga pulis ng PNP ARMM ang naka-deploy ngayon sa buong rehiyon ng ARMM.
Ito ay kasunod ng naganap na malakas na pagsabog sa Isulan Sulatan Kudarat.
Ayon kay Police Senior Inspector Jemar Delos Santos ang tagapagsalita ng PNP ARMM pinalakas nila ang intelligence gathering at mas hinigpitan ang mga checkpoint operations.
Dinagdagan na rin ang deployment ng tropa para magsagawa ng mobile at foot patrol operations.
Nagpaalala rin si Police Chief Superintendent Graciano Mijares, Regional Director ng PRO ARMM sa publiko na maging mapagmatyag at makipagtulungan sa mga pulis kung may mga impormasyon o napansing kahina-hinalang personalidad at bagay para agad na maaksyunan ng mga awtoridad.
Kinokondena naman ng pulis ARMM ang nangyaring pagsabog kung saan mga inosenteng sibilyan ang nadadamay.