Manila, Philippines – 24 oras na nakabantay ang mga tauhan ng NCRPO ngayon holiday season dito sa Metro Manila.
Walang bakasyon sa buong buwan ng Disyembre ang mga pulis panahon kung kailan abala ang karamihan sa iba’t-ibang aktibidad.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, hindi dapat sumasabay ang mga pulis sa bakasyon ng mga tao.
Sa ganitong panahon kasi nananamantala ang mga magnanakaw at naitatala ang iba’t-ibang uri ng krimen.
Dagdag pa ni Eleazar kasama sa kanilang sinumpaang tungkulin ang ganitong sakripisyo para protektahan ang publiko.
Sa pag-iikot ng DZXL RMN Manila, maraming pulis ang nakabantay sa simbahan, bus terminal, pamilihan at mga pasyalan.
Facebook Comments